Pers Lab by Lynyrd Yanga

December 19, 2012  //  Posted by: lynyrdyanga  //  Category: Poem Sweet Poem, Te Amo <3

 

Batang musmos na nagaral sa pribado

kinder garten na sa pagibig ay bago

tanong sa sarili’y “ano nga ba ito?”

tulad ba ito ng kending tig-pipiso?

 

Pagibig nung bata ay pansamantalang isinantabi

sa ngalan ng grado focus ang strategi

mga subject na tila baga’y minamani

abcdefg-hijk-elemenopi

 

Itong batang pilyo na napaka friendly

minsang nanghiram ng lapis pero di na sasauli

hanggang makahanap ng anghel na magpapatili

sa pusong mangmang, ang ngalan ay melody

 

Lab at pers sayt sakin pero lab is blind sa kanya

tila yata’y hindi niya ko nakikita

dahil ba sa kulay kong parang aeta

o baka naman sa baby face ko kaya siya nahihiya

 

Lumipas ang mga araw “hi hello” ang usapan

wala pang cellphone at facebook na pwedeng paggamitan

tila ba’y walang paraan para siya’y aking ligawan

sa bagal kong ‘to may chansa akong maagawan

 

Palapit na ang graduation hanggang tingin nalang ako

takot namang kausapin baka maisnab ako

e sino ba naman kasi ako

ang incoming first honor lang naman ang panlaban ko

 

Nagsipagtapos at nagmartsa na’t lahat lahat

at ako’y tuwang tuwa sa aking outstanding award

ngunit parang may kulang akong nararamdaman

ayun, si pers lab paalis na, di man lang ako nakapagpaalam

 

At iyon ang huling pagkakataon ko siyang nakita

ang anghel na nagbigay ng pers lab sa isang bata

at nagbigay ng melody sa pagibig ng makata

na nakaukit na sa aking puso hanggang sa aking ala-ala.

 

Share

8 Responses to “Pers Lab by Lynyrd Yanga”

  1. sampleman Says:

    tula to

  2. lynyrdyanga Says:

    opo sir.

  3. Jake :D Says:

    idol ka talaga :D

  4. myra Says:

    bigyan mu candy nyrd.. =)

    nice .. ganda,
    sumusunod kba sa yapak ni sir Mark salvador.. =)

  5. lynyrdyanga Says:

    maraming salamat sa pagcomment myra. haha

    hindi naman po :D mahirap sundan si sir mark ^_^

  6. lynyrdyanga Says:

    Thank you for your comment :)

  7. physical therapy salary Says:

    I will right away grab your rss feed as I can’t in finding your e-mail subscription link or e-newsletter service. Do you’ve any? Please allow me know so that I may subscribe. Thanks.

  8. iherb coupon codes Says:

    I am in fact glad to read this webpage posts which carries plenty
    of valuable information, thanks for providing these data.

Leave a Reply

Free Web Hosting